Albert Francis E. Domingo, MD

my flight of ideas

Health-related Excerpts of Pres. Aquino’s 2012 SONA

Posted on | July 23, 2012 | No Comments

Kalusugan PangkalahatanAt today’s State of the Nation Address (SONA) by President Benigno “Noynoy” S. Aquino III, health took up around 8.94 percent of the roughly 9,114 words of the speech (based on the English translation, as the Filipino transcript also registered instances of applause). The President made direct references to “kalusugang pangkalahatan” or “universal health care”, which if we are to follow the political agency doctrine effectively ratified his alter ego (Health Secretary Enrique T. Ona)’s Department Order No. 2011-0188 and Administrative Order No. 2010-0036, respectively.

Below are health-related excerpts of his speech:

Filipino, as delivered by the President:

xxx

Base sa listahan ng DSWD: May 1,672,977 na mga inang regular nang nagpapacheck-up. Idagdag pa natin, 1,672,814 na mga batang napabakunahan laban sa diarrhea, polio, tigdas, at iba pa.

xxx

Sa kalusugan naman po: Nang dumating tayo, animnapu’t dalawang porsiyento lamang ng mga Pilipino ang naka-enrol sa PhilHealth. Ang masaklap, hindi pa masiguro kung lahat sila ay kabilang sa mga totoong nangangailangan ng kalinga ng estado, o buwenas lang na malapit sa politiko. Ngayon po, 85 percent ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito. [Applause] Ang ibig pong sabihin, 23.31 million na Pilipino ang naidagdag sa mga saklaw ng PhilHealth mula nang bigyan tayo ng mandato. [Applause]

Ang maganda pa rito: ang 5.2 million na pinakamahirap na kabahayang tinukoy ng National Household Targeting System, buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. [Applause] Dahil po sa No Balance Billing policy ng Department of Health, ang lunas para sa dengue, pneumonia, asthma, katarata, gayundin ang pagpapagamot sa mga catastrophic disease tulad ng breast cancer, prostate cancer, at acute leukemia, makukuha na nang libre ng mga pinakamahirap nating kababayan. [Applause]

Ito po ang proseso ng pagpapagamot para sa kanila: Papasok ka sa alinmang ospital ng gobyerno. Ipapakita mo ang iyong PhilHealth card. Magpapagamot ka. At uuwi kang maginhawa nang walang inilabas ni isang kusing.

Sabi nga po sa isa sa mga briefing na dinaluhan natin, apat sa sampung Pilipino, hindi man lamang nakakakita ng health professional sa tanang buhay nila. Sa iba po, mas malaki pa: may nagsasabing anim sa bawat sampung Pilipino ang pumapanaw nang malayo sa kalinga ng health professional. Anuman ang ating pagbatayan, hindi po maikakaila: nakakabahala ang bilang ng mga Pilipinong hindi naaabot ang serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan. Tinutugunan na po natin ito. Mula sa sampung libo noong dumating tayo, umabot na sa 30,801 ang mga nurse at midwife na ating nai-deploy sa ilalim ng RNHeals Program. [Applause] Idagdag pa po natin sa kanila ang mahigit labing-isang libong Community Health Teams na nagsisilbing tulay upang higit na mapatibay ang ugnayan ng mga doktor at nurse sa komunidad.

At kung dati tutungo lamang ang mga nurse kung saan makursunadahan ng kanilang hepe, ngayon, dahil sa tamang targeting, kung saan sila kailangan, doon sila ipinapadala: [applause] sa mga lugar na matagal nang naiwan sa laylayan ng lipunan. Ipinadala po ang ating mga health professional sa 1,021 na pook na saklaw ng Pantawid Pamilya, at sa 609 na pinakamahihirap na lungsod at munisipyo, ayon sa pag-aaral ng National Anti-Poverty Commission. [Applause]

Dalawang problema po ang natutugunan nito: bukod sa nagkakatrabaho at nabibigyan ng work experience ang libu-libong nurse at midwife na dati ay walang mapaglalaanan ng kanilang kaalaman, nagiging abot-kamay din ang dekalidad na kalinga para sa milyun-milyon nating kababayan.

Subalit hindi pa po tayo makukuntento rito, dahil ang hangad natin: kalusugang pangkalahatan. Nagsisimula ito, hindi sa mga pagamutan, kundi sa loob mismo ng kanya-kanya nating tahanan. Ibayong kaalaman, bakuna, at checkup ang kailangan upang mailayo tayo sa karamdaman. Dagdag pa po diyan ang pagsisikap nating iwasan ang mga sakit na puwede namang iwasan.

Halimbawa: Nabanggit ko ang mosquito traps kontra dengue noong nakaraang taon. Alam naman po ninyo, ang mga syantipiko mahigpit sa pagsisiyasat. Maaga pa para sabihing siguradong-sigurado na tayo, pero nakakaengganyo po ang mga paunang resulta nitong programang ito.

Sinubok natin ang bisa ng mosquito traps sa mga lugar kung saan naitala ang pinakamataas na insidente ng dengue. Sa buong probinsya ng Bukidnon noong 2010, may 1,216 na kaso. Nang inilagay ang mga mosquito trap noong 2011: mukhang nakatulong dahil bumaba ito sa tatlumpu’t pito; 97 percent raw po ang reduction po ito. [Applause] Sa bayan ng Ballesteros at Claveria sa Cagayan, may 228 na kaso ng dengue noong 2010. Pagdating ng 2011, walo na lang ang naitala. Sa Catarman, Northern Samar: 434 na kaso ng dengue noong 2010, naging apat na lang noong 2011. [Applause]

Panimulang pag-aaral pa lamang po ito. Pero ngayon pa lang, marapat na yata nating pasalamatan sina Secretary Ike Ona ng DOH at Secretary Mario Montejo ng DOST, [Applause] Wala ho tayong masyadong umento, baka sa palakpak n’yo’y  ganahan silang lalong magsaliksik at mag-ugnayan.

Marami pa po tayong kailangang solusyonan. Nakakabahala ang mataas pa ring maternal mortality ratio ng bansa. Kaya nga po gumagawa tayo ng mga hakbang upang tugunan ang pangangailangan  sa kalusugan ng kababaihan. Nais din nating makamit ang Universal Health Care, at magkaroon ng sapat na kagamitan, pasilidad, at tauhan ang ating mga institusyong pangkalusugan.

Sa pagtugon natin sa mga ito, malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling panahon. [Applause] Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan.

xxx

Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito.[Applause]

xxx

Kung masama ang loob ninyo na ang 5.2 million na pinakamahihirap na kabahayang Pilipino ay maaari nang pumasok sa ospital nang hindi iniintindi ang gastos sa pagpapagamot, tingnan ninyo sila ulit, mata sa mata, at sabihin ninyong, “Ayaw kong gumaling ka.”

xxx

[Video starts]

xxx

“Malaking tulong na isa kami—ang alam ko kauna-unahan na nakinabang at nakikinabang pa sa package na ‘to na Category Z Package ng Philhealth. Nagpapasalamat kami nang sobra at  hindi man maganda na nagkaroon  ng sakit ang anak ko, pero mayroong PhilHealth na tutulong at handang tumulong sa mga gastusin namin.” – Kristine Tatualla [PhilHealth beneficiary]

xxx

[Video ends]

Kaya nga po sa lahat ng nurse, midwife, o doktor na piniling magsilbi sa mga baryo; xxx Kayo po ang gumawa ng pagbabago. [Applause]

Sa tuwing haharap ako sa isang ina na nagsasabing, “Salamat at nabakunahan na ang aking sanggol,” ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.

 

Official English translation:

xxx

Based on data from the DSWD: 1,672,977 mothers now get regular checkups; 1,672,814 children have been vaccinated against diarrhea, polio, measles, and various other diseases;

xxx

When we first took office, only 62 percent of Filipinos were enrolled in PhilHealth. Enrollment was not necessarily based on need but on being in the good graces of politicians. Now, 85 percent of our citizens are members. This means that since we received our mandate, 23.31 million more Filipinos have access to PhilHealth’s array of benefits and services.

And here’s even better news: the 5.2 million poorest households identified by our National Household Targeting System will now fully benefit from PhilHealth’s programs, free of charge. Because of the Department of Health’s No Balance Billing Policy, treatment for dengue, pneumonia, asthma, cataracts—as well as treatments for catastrophic diseases like breast cancer, prostate cancer, and acute leukemia—can be availed of for free by our poorest countrymen.

The process for our poorest PhilHealth members: Enter any government hospital. Show you PhilHealth card. Get treatment. And they return to their homes without having to shell out a single centavo.

One of the briefings I attended noted that four out of ten Filipinos have never seen a health professional in their entire lifetime. Other figures are more dire: Six out of ten Filipinos die without being attended to by health professionals.

But whatever the basis, the number of Filipinos with no access to government health services remains a concern. And we are acting on this: In 2010, ten thousand nurses and midwives were deployed under the RNHeals Program; to date, we have deployed 30,801. Add to this over 11,000 Community Health Teams tasked to strengthen the links between doctors and nurses, and the communities they serve.

And today, because of efficient targeting, they are deployed to where they are most needed: to areas that have been for so long left in the margins of society. We have sent our health professionals to 1,021 localities covered by the Pantawid Pamilya, and to the 609 poorest cities and municipalities, as identified by the National Anti-Poverty Commission.

This new system addresses two issues: thousands of nurses and midwives now have jobs and an opportunity to gain valuable work experience; at the same time, millions of our countrymen now have increased access to quality health care.

But we are not satisfied with this. What we want: True, universal, and holistic health care. This begins not in our hospitals, but within each and every household: Increased consciousness, routine inoculation, and regular checkups are necessary to keep sickness at bay. Add to this our efforts to ensure that we prevent the illnesses that are in our power to prevent.

For example: Last year, I told you about our anti-dengue mosquito traps. It is too early to claim total victory, our scientists are rigorous about testing, but the initial results have been very encouraging.

We tested the efficacy of those mosquito traps in areas with the highest reported incidence of dengue. In 2011, traps were distributed in Bukidnon—which had recorded 1,216 cases of dengue in 2010. After distribution, the number of cases decreased to 37—that is a 97 percent reduction rate. In the towns of Ballesteros and Claveria in Cagayan, there were 228 cases of dengue in 2010; in 2011, a mere eight cases were recorded. In Catarman, Northern Samar: 434 cases of dengue were reported in 2010. There were a mere four cases in 2011.

This project is in its initial stages. But even this early on, we must thank Secretaries Ike Ona of DOH and Mario Montejo of DOST; may our gratitude and applause spur them into even more intensive research and collaboration.

Challenges remain. The high maternal mortality ratio in our country continues to alarm us. Which is why we have undertaken measures to address the health-care needs of women. We, too, want Universal Health Care; we want our medical institutions to have enough equipment, facilities, and manpower.

We can easier fulfill all these goals, if the Sin Tax Bill—which rationalizes taxes on alcohol and tobacco products—can be passed. This bill makes vice more expensive while at the same time raising more money for health.

xxx

We are ending the backlogs in the education sector, but the potential for shortages remains as our student population continues to increase. Perhaps Responsible Parenthood can help address this.

xxx

If you take issue with the fact that 5.2 million of the country’s poorest households can now avail of quality healthcare services without worrying about the cost, then look them straight in the eye and tell them, “I do not want you to get better.”

xxx

This is why, to all the nurses, midwives, or doctors who chose to serve in the barrios xxx You made this change possible.

So whenever I come face to face with a mother who tells me, “Thank you, my child has been vaccinated,” I respond: You made this happen.

 

—-

Source: The Official Gazette

Bookmark and Share

Comments

Leave a Reply






  • Meta

  • Also at